
MANILA, Philippines – INANUNSIYO ng pamunuan ng Civil Service Commission (CSC) na ang rehistradong organisasyon ng mga empleyado ay maaari na ngayong maghain ng kanilang aplikasyon para sa kanilang akreditasyon gamit ang online.
Ang nasabing anunsiyo ay inihayag ni CSC Chairperson Karlo Nograles, na namumuno din sa Public Sector Labor Management Council (PSLMC), isang inter-agency body na umaasikaso sa mga usapin na may kinalaman sa mga organisasyon ng empleyado ng gobyerno.
Nabatid na ang nasabing Konseho ay binubuo ng CSC Chair bilang chairperson, ang Kalihim ng Department of Labor and Employment bilang vice-chair, at ang mga Secretaries ng Department of Budget and Management, Department of Finance, at Department of Justice bilang mga miyembro.
Dagdag pa rito, binanggit ni Chairperson Nograles na nagbigay ng permiso ang Konseho para sa online registration ng Collective Negotiation Agreements (CNA).
“Allowing electronic filing of applications for accreditation and CNA registration will fast track processes and make availment of said services more convenient to employee organizations nationwide,” ani Chairperson Nograles.
“Facilitative processes translate to employee organizations being able to enjoy benefits and protection provided under the law,” giit pa nito.
Dati, ang mga aplikasyon o petisyon para sa akreditasyon at pagpaparehistro ng CNA ay personal na isinampa, sa pamamagitan ng rehistradong koreo o sa pamamagitan ng serbisyo ng courier.
Sa pamamagitan ng PSLMC Resolution No. 01 na may petsang Pebrero 2023, maaaring gamitin ng mga organisasyon ng empleyado ang electronic filing sa pamamagitan ng opisyal na pakikipag-ugnayan sa Human Resource Relations Office (HRRO) ng CSC sa pamamagitan ng [email protected].