Home OPINION ACCREDITED MOTORCYCLE TAXIS SA PILOT TEST DAPAT DAGDAGAN?

ACCREDITED MOTORCYCLE TAXIS SA PILOT TEST DAPAT DAGDAGAN?

AYON sa isang liham na natanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection
mula sa chairman ng MC Taxi Technical Working Group, tatlo lang ang accredited
motorcycle taxi sa pilot test.

“At present only ANGKAS, JOYRIDE and MOVE IT are allowed to participate in the said
study", base sa liham.

Ang tanong : Ang GRAB ba ang accredited?

Malinaw ang sagot sa liham ni Chairman – “The Motorcycle Taxi Technical Working
Group (MC Taxi TWG) agrees with your statement that GRAB IS NOT AUTHORIZED to
participate in the pilot implementation study or to operate a motorcycle taxi service.”

Pero ayon sa TWG din at suportado ng ilang Congressman na dapat magdagdag ang
accredited companies na magpaparticipate sa pilot test.

Bagay na pinalagan hindi lamang ng mga accredited na kundi ng mga ilang transport
denomination tulad ng taxi, tricycle at UV express.

Malaki na raw ang epekto nito sa kanila dahil sa nababawasan ang kanilang pasahero
na nagreresulta sa mahinang kita ng kanilang pasada.

Kung sakaling madadagdagan ang accredited companies, madadagdagan ang riders.
Dagdag kompetensya sa kanila. Isa ring epekto ay sa mismong mga rider at
nagkakaroon ng problema kaya marami sa mga pasahero ay naghahabal-habal na lang
at hindi na gumagamit ng App.

Bagay na bawal na bawal dahil ang pinapayagan lamang sa Pilot test ay APP-Based
Motorcycle taxis.

Maganda ang kompetisyon kung malinaw ang regulasyon sa motorcycle taxis.

Sa ngayon ay nasa pilot test pa rin ang operasyon ng mga app-based motorcycle taxis.
Mas mainam na umusad na ang pagsasabatas ng motorcycle taxi operation bago pa
dagdagan ang mga accredited companies.

Dapat na rin magdesisyon ang TWG at Kongreso sa kontrobersyal na Grab – Move It
deal lalo na’t isa sa nag-aaply ng accreditation ay GRAB.

Hindi naman dapat payagan na magkaroon ng accreditation ang GRAB sapagkat sila
rin ang nasa MOVE IT.

==================================================

ATTY. ARIEL INTON
Lawyers for Commuters Safety and Protection
09178174748

Previous articleSSS: TELLERING MACHINE MAGSISIMULA NANG ALISIN
Next article‘DI BALENG WA PERA, BASTA WA SAKIT!