Home NATIONWIDE ACN umapela ng tulong para sa Turkey at Syria

ACN umapela ng tulong para sa Turkey at Syria

MANILA, Philippines – Umapela ng tulong at panalangin ang Aid to the Church in Need (CAN) -Philippines para sa mga biktima ng dalawang malakas na lindol sa bansang Turkey at Syria.

Ayon kay ACN Philippines acting president Msgr. Gerardo Santos, ang donasyon na matatanggap ng sangay ng ACN sa bansa ay ipapadala sa ACN International upang ipaabot sa mga naapektuhan ng lindol sa dalawang bansa.

“ACN Philippines appeals for your prayers and support. Any donation will be sent to ACN International – a pontifical organization that has tirelessly assisted the affected countries in recent decades,” pahayag ni ACN Philippines acting president Msgr. Gerardo Santos sa Radio Veritas.

Pagtiyak ng Pari, makakaasa ang mamamayan ng Turkey at Syria sa pakikiisa ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa Pilipinas hindi lamang sa pamamagitan ng pananalangin kundi bilang daluyan ng biyaya, habag, awa at pagmamahal ng Panginoon.

Umaasa naman si Msgr. Santos sa aktibong pagtugon ng bawat mananampalataya sa panawagan ng Santo Papa Francisco.

“ACN Philippines is one with the people of Syria and Turkey as they grieve and try to recover from the devastation of the recent earthquakes. Our beloved Pontiff, Pope Francis, has called for solidarity with all the victims. At his General Audience, he mentioned Aid to the Church in Need (ACN) as one of the foundations that urgently responds to the suffering Church in Syria and Turkey. We grieve with our brothers and sisters over the loss of over 12,000 lives, even as they have not yet recovered from a long war.” dagdag pa ni Msgr. Santos.

Sa datos, umaabot na sa humigit kumulang 21,000 ang naitalang nasawi sa naganap na malakas na lindol sa Turkey at Syria.

Matatandaan na taong 2016 ng nagkaroon ng sangay ang ACN sa Pilipinas na isa lamang sa mahigit 20-piling mga bansa sa Europa, Amerika, Australia at Asya na naatasan na humawak at mangasiwa sa misyon ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBawas-presyo sa petrolyo asahan sa susunod na linggo!
Next articleLalaki pugot-ulo sa suspek na may problema sa pag-iisip