Home HOME BANNER STORY Acorda nanawagan ng pre-ops briefing kasunod ng Navotas, Imus incident

Acorda nanawagan ng pre-ops briefing kasunod ng Navotas, Imus incident

266
0

MANILA, Philippines – Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang lahat ng field commanders na magsagawa ng briefing bago ang aktwal na police operations kasunod ng mga insidenteng kinasangkutan ng pulisya.

Sa panayam, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na hindi kinukunsinte ng PNP ang naging hakbang ng kapulisan sa nangyaring insidente sa Navotas City at Imus, Cavite.

“Kaya nga no less than the Chief PNP has directed ang ating mga field commanders na dapat SOP ito na bago mag-conduct ng any form of police operation ay dapat may briefing yung mga team leaders,” ani Fajardo.

“Yung mga do’s and don’ts na dapat ginagawa natin sa planned operations like buy-bust operation ay dapat nasusunod,” dagdag pa niya.

Noong Agosto 2 kasi, napatay ng mga pulis ang 17-anyos na si Jemboy Baltazar para sana mangisda, matapos mapagkamalan na tinutugis nilang suspek sa isang follow-up operation sa Navotas City.

Ayon sa PNP, nagkaroon ng “lapses” sa naturang operasyon.

Samantala, sa Imus, Cavite naman, siyam na pulis ang umano’y nagnakaw pa sa bahay ng 67-anyos na si Rebecca Caoile, dating propesor, kasabay ng buy-bust operatino sa Barangay Alapan 1-A.

Sa CCTV footage, makikita na dala-dala ng mga pulis ang ilang gamit ng may-ari ng tirahan katulad ng gulong at rim ng motorsiklo.

Ayon sa anak ni Caoile, kinuha rin ng mga pulis ang ipon niyang nagkakahalaga ng P80,000, laptop at iba pang tools.

Inalis na sa pwesto ang hepe ng Imus police matapos ang video ng siyam na pulis na nang-ransak sa bahay ng drug suspect matapos mag-viral sa social media. RNT/JGC

Previous articlePH economy mapupuruhan sa pag-boycott sa Chinese firms – business group
Next articleTiffany, suportado ng jowa sa paghuhubad!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here