Home OPINION ACTION MAN NG INDANG NAGPAPATAYO NG DIALYSIS CENTER

ACTION MAN NG INDANG NAGPAPATAYO NG DIALYSIS CENTER

SADYANG kahanga-hanga at kapuri-puri ang tinaguriang ‘Action Man ng Bayan’ ng Indang, Cavite na si Lion Virgilio “Kapitan Vergel” Fidel ng Barangay Calumpang Cerca dahil sa bago nitong proyektong napakalaking kapakinabangan sa mamamayan.

Ang kanyang bagong proyekto ay isang Dialysis Center na kanya nang kasalukuyang ipinapagawa sa Barangay Calumpang Cerca sa Indang, Cavite.

“Lion Ka Rex mayroon ng permit mula sa Department of Health (DOH) para sa dialysis center. Nagstart na kami ng construction at sa December or January ay mag-open na ang dialysis,” ang wika sa atin ni Action Man Lion Vergel Fidel.

Nalaman din natin kay Kapitan Fidel na ang kanyang proyektong dialysis center ay libre lahat o walang babayaran sa bawat dialysis session. Samakatuwid ay ‘free dialysis program’ ang kanyang proyektong ito.

Idinagdag pa sa paliwanag sa atin ni Lion Vergel Fidel na, “mayroong 10 units kaya naman makakaya ang 30 patient a day. One stop hindi na lalayo ang pasyente kung walang PHILHEALTH. May tao nang naka-assign sa pag aayos.”

Lalo akong humanga kay Lion Fidel sa kanyang napakagandang proyektong ito na malaking tulong sa  mga mahihirap na pasyenteng may sakit sa bato na kailangang magpa dialysis.

Si Kapitan at esposa nitong si Madam Nedilyn Fidel ay kapwa aktibong kaanib namin sa Indang Cavite Highlands 103 Lions Club na pinamumunuan ni Lion President Albert Ramos.

Tunay na saludo ako sa inyo Lion Vergel at Lion Nedi sa kabutihang-loob ninyong mag-asawa, kaya naman ako ay naniniwala na patuloy ang pagpapala na ipagkakaloob sa inyo ng ating Panginoong Diyos. Mabuhay po kayo.

Previous article123RD ANNIVERSARY NG CIVIL SERVICE COMMISSION
Next articleBINTANG PA MORE!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here