Home METRO Active COVID cases sa Navotas, dumarami

Active COVID cases sa Navotas, dumarami

MANILA, Philippines – Dumarami ang nagpopositibo sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas.

Hanggang kahapon, Disyembre 18, ay lima na ang aktibong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, na noong mga nakaraang araw ay paisa-isa na lang.

Tig-iisa ng aktibong kaso sa mga barangay ng Navotas East, North Bay Boulevard (NBB) North, at NBB Kaunlaran.

Mayroon ding positibo sa kasalukuyan sa San Jose at Tangos North.

Nananatili naman sa 776 ang COVID death toll sa fishing capital.

May kabuuan nang 22,793 ang nagpositibo sa siyudad, kung saan 22,012 na ang nagsigaling. Merly Iral

Previous article3 sugatan sa pananaksak sa Malabon
Next articleALAMIN: Adjusted operating hours ng PNR sa Disyembre 31, Enero 1