Home HOME BANNER STORY Acute gastroenteritis outbreak idineklara sa Baguio

Acute gastroenteritis outbreak idineklara sa Baguio

MANILA, Philippines – Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang outbreak ng gastroenteritis na nagsimulang umakyat noong holiday season.

Sa kasalukuyang bilang ay umaabot na sa 1,602 ang kaso ng gastroenteritis, hanggang nitong alas-3 ng hapon ng Miyerkules, Enero 10.

“I would like to officially declare that we have an outbreak,” pahayag ni Mayor Benjamin Magalong.

Ipinakita ng lokal na pamahalaan na nasa 729 sa mga biktima ay dinala sa ospital, at karamihan ay pediatric cases.

Ipinag-utos na ni Magalong ang masinsinang imbestigasyon sa mga tubig sa lahat ng 67 sources ng Baguio Water District (BWD).

Nagtutulong-tulong ang tatlong water testing laboratories, ang Baguio Water District (BWD) laboratory, Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) laboratory, at City Health Services Office laboratory sa pagsuri ng water samples.

“A confirmatory result will take three days but we have started using the total dissolved solid (TDS) testing equipment since results of which can obtained outright. Once the result exceeds acceptable standards, we will immediately close the source,” ani Magalong.

Anang alkalde, ang water sources ng BWD, privately-owned water refilling stations, 218 food establishments na huling kinainan ng mga biktima, at 175 tirahan na karamihan sa mga biktima ay hindi kumain pero nakaranas pa rin ng gastrointestinal problems ay sasailalim din sa testing.

Aniya, 80 sa mga establisyimento kung saan kumain ang mga biktima na nakaranas ng gastrointestinal issues ay nasa loob ng mall habang 134 ang nasa labas ng mall.

“We urge everyone experiencing loose bowel movement, headache, stomach pain, or vomiting to seek medical assistance from the nearest health facility to avoid other complications,” ayon kay Dr. Celia Flor Brillantes, city health services office chief.

Ani Brillantes, kailangang uminom ng oral rehydration solution upang maiwasan ang dehydration ng mga biktima.

Karamihan sa mga ulat ng gastrointestinal problems ay nagsimula noong Disyembre 20. RNT/JGC

Previous articleMahigit 3,500 security forces ipakakalat sa Sinulog 2024
Next articleGlobal unemployment lalala ngayong 2024 – UN