Home NATIONWIDE ADB makatutulong sa PH food stamp program – PBBM

ADB makatutulong sa PH food stamp program – PBBM

380
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na maaaring tumulong ang Asian Development Bank (ADB) sa gobyerno ng Pilipinas na tustusan ang tinitingnang food stamp program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa katunayan, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay ADB president Masatsugu Asakawa sa tanggapan ng huli sa Mandaluyong City kung saan napag-usapan ang ilang mga programa na naipatupad na at iyong nananatili pa ring nasa pipeline.

Ani Pangulong Marcos, ang  ADB ay ang “largest source” ng official development assistance ng bansa.

“One of the things that is in the pipeline, that is being developed, that is going to be of great assistance to our people is the proposal by the DSWD for a food stamp program, which I’m surprised that we have never had, but it is something that we can see that has been effective in other countries,” ayon sa Pangulo.

Nauna rito, pinag-iisipan naman ni  DSWD Secretary Rex Gatchalian ang pagpapatupad ng food coupon program “to scale down the hunger problem among poor Filipinos.”

Sinabi ni Gatchalian  na maaaring  humingi ng tulong ang DSWD sa pribadong sektor para makamit ang kanilang nilalayon.

Samantala, binanggit naman ng Pangulo ang  partnership nito sa  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at  Civil Service Commission pagdating sa digitalisasyon.

“So the ADB has given us so many opportunities, not only in these projects that we are discussing but we are given more so in what has been done since ADB was brought here to Manila and they have been an essential part of all our development plans and they have been a robust and strong and reliable partner in the development of the Philippines,” ayon sa Pangulo. Kris Jose

Previous article48 aktibo at potensyal na private armed groups sa BSKE, tinututukan ng PNP
Next articleWalkable, bikeable na komunidad isinulong ni Bong Go

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here