CAMALANIUGAN, CAGAYAN – Hindi na nakapalag ang pinaniniwalaang adik dahil sa pag-iingat umano ng illegal na droga nang salakayin ang kanyang bahay sa Centro Sur, Camalaniugan, Cagayan.
Kinilala ang suspek na si Jasperjoy Tamaray Bariuan, 34 anyos at residente sa nabanggit na lugar.
Dinakip ang suspek matapos na makumpiskahan ng sampung (10) piraso ng pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng dalawang gramo at tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P15,000
drug paraphernalias.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco