Home NATIONWIDE Admin, research facility sa Kalayaan Island Group pinasinayaan!

Admin, research facility sa Kalayaan Island Group pinasinayaan!

MANILA, Philippines – Pinasinayaan ng Philippine Navy (PN) ang bago nitong admin at research facility sa Kota Island sa Kalayaan Island Group (KIG), sinabi ng Naval Public Affairs Office.

Sa pahayag nitong Martes, Disyembre 5, sinabi ng Navy na ang inauguration ay ginanap kasabay ng Christmas visits ni PN chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa remote island detachments noong Nobyembre 29 hanggang 30.

Ang pasilidad ay “a typhoon-resilient structure symbolizing progress and serving as shelter for personnel and equipment on the island station,” ayon sa Philippine Navy.

Binisita ni Adaci ang mga dulong isla sa Pilipinas katulad ng Basco at Itbayat sa Batanes; Pag-asa at Kota islands sa KIG; at Taganak Island sa Tawi-Tawi.

“These island stations and detachments are key and strategic features of the Philippine territory manned by dedicated PN personnel alongside other uniformed agencies,” sinabi ng Philippine Navy.

Nagpasalamat si Adaci sa mga tauhan sa remote island stations at pinalakas ang moral ng mga ito sa pagpapahayag ng suporta sa kanilang pagsisikap na protektahan ang teritoryo at interes ng bansa. RNT/JGC

Previous articleNTF-ELCAC tuloy sa serbisyo sa insurgency-hit areas – Año
Next articleAnton Bernardo, binarat na, ininsulto pa!