Home HOME BANNER STORY Admin tasks ng mga guro kakalusin na

Admin tasks ng mga guro kakalusin na

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) sa lahat ng mga pampublikong eskwelahan na alisin sa mga guro ang kanilang administrative tasks.

Sa naging presentasyon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa second Basic Education Report, sinabi nito na 5,000 pa rin ang administrative personnel ang iha-hire ngayong 2024, at karagdagang pondo para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) ay ibibigay naman sa eskwelahan para sa naturang recruitment.

“We have always expressed our intention to remove administrative tasks from our teachers. After holding several consultations with our field personnel, the Department Order on the Removal of Administrative Tasks for Teachers will be released tomorrow, and the corresponding strand memorandum will be released next week,” ayon VP Sara.

“Let us bring our teachers back to the classrooms,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa na natagalan ang pagpapalabas ng kautusan na alisin ang administrative tasks sa mga guro dahil “Natatakot tayo na pagdating sa field, hindi talaga siya ma-implement effectively.”

“So kaya tumagal ng konti kasi talagang pinlano namin na i-remove na talaga ang admin tasks, at kung ire-remove na talaga ang admin tasks, siyempre may pupuntahan ang task na ‘yun,” ayon kay Poa sabay sabing, “There will be a transition period before the full implementation of the department order.”

“Will it be perfect kaagad from Day One? Of course, we know marami pa adjustments na kailangan na gawin but this is the start and hopefully ma-implement nang tama ang policy na ‘to,” dagdag niya.

Samantala, Agosto pa ng nakaraang taon nang aprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglikha ng 5,000 non-teaching positions para sa mga DepEd schools sa buong bansa para makapagbigay ng “adequate manpower and support to educators in giving quality instruction to learners.”

Magpapalabas naman ayon kay VP Sara ang DepEd ng polisiya ukol sa “overload pay” sa mga guro upang matiyak na “rightfully compensated” ang mga ito para sa mga oras ng actual classroom teaching na lampas na sa 6-hour limit na nakasaad sa Magna Carta for teachers.

Plano rin ng DepEd na maghain ng panukalang pondohan ang overtime pay para sa mga guro sa susunod na national budget deliberations.

“We will also increase the cap for service credits. We will raise the cap from the current 15 days to at least 30 days,” ayon kay VP Sara.

Magtatatag naman ang DepEd ng calamity fund na makapagbibigay sa mga guro at empleyado ng agarang financial assistance sa panahon ng kalamidad at sakuna.

Kumikilos na rin aniya siya na amyendahan ang administrative order na pahintulutan ang probisyon ng health insurance sa mga guro at non-teaching personnel.

“Sa ating mga mahal na guro at mga kawani, hindi po kami titigil sa paghahanap ng mga paraan at paglalatag ng mga polisiya upang tugunan ang mga isyu ukol sa net take-home pay ninyo,” dagdag na wika ni VP Sara. Kris Jose

Previous articleSumadsad na motor boat sa Bolinao, Pangasinan sinaklolohan ng PCG
Next articlePinoy IDF soldier na nasawi sa Gaza nailibing na