Home FOOD Adobo tampok sa Google doodle

Adobo tampok sa Google doodle

MANILA – Itinampok ng Google ang “tender, juicy, and soulful” adobo, isang sikat na Filipino dish, bilang animated doodle ngayong Miyerkules.

Ayon sa website nito, ang doodle ay nilikha ng artist na si Anthony Irwin, ang anak ng isang US immigrant.

“Maaari kong i-claim ang pagkaing Filipino bilang bahagi ng aking kultura at ipagdiwang ang koneksyon na nagagawa nito sa pagitan ng pagkakakilanlan ng aking ina at ng sarili ko,” sabi niya.

Ang signature smell ng Adobo ang naging inspirasyon niya sa pagdidisenyo ng doodle, sabi ni Irwin.

“It was so bright and nostalgic, and instantly filled my apartment with that familiar feeling: this is exactly how things are supposed to be. So I tried to capture that simple childhood joy of leaning in and savoring the kind of food that makes home feel like home,” aniya pa.

Nagsama rin ang Google ng maikling paglalarawan ng ulam sa website nito kasama ang ilang trivia tungkol sa pagkaing Filipino.

“After evolving throughout the century, this iconic dish is now enjoyed worldwide. It’s a symbol and expression of Filipino pride that varys from region to region, family to family, palate to palate,” saad dito.

Itinampok din ang doodle sa Canada, Iceland, United Kingdom, Ireland, at US, ayon sa Google. RNT

Previous articleDMW, DSWD MAGKATUWANG SA PAGBIBIGAY NG TULONG SA OFWs NA NAWALAN NG TRABAHO SA SAUDI
Next articleAlamin: #WalangTubig sa P’que, Pasay, Las Piñas at Muntinlupa