Home Uncategorized ADOLESCENTS NA MAY EDAD 10 HANGGANG 19 NASA PANGANIB TAMAAN NG VPDs

ADOLESCENTS NA MAY EDAD 10 HANGGANG 19 NASA PANGANIB TAMAAN NG VPDs

NAGBIGAY-Babala ang DOH o Department of Health sa mga adolescent na may edad 10 hanggang 19 years old na nasa panganib sila na tamaan ng VPDs o vaccine preventable diseases lalo na kung wala silang booster shot.
Ayon sa DOH, may mga bakuna na bumababa ang proteksyon habang tumatagal kung kaya kinakailangan ang karagdagang bakuna, katulad ng bakuna kontra diphtheria, pertussis at tetano, kaya dapat ay tuwing limang taon ang pagpapaturok.
Paalaala ng kagawaran, ang isang bata ay kinakailangang mabakunahan isang beses ng BCG o ng bacilli Calmette-Guerrin kontra tuberculosis, tatlong doses ng Pentavalent vaccine for Hepatitis B, Diptheria, Pentussis, Tetanus, at Influenza B, tatlong doses ng oral polio vaccine, dalawang doses ng inactivated polio vaccine, tatlong doses ng pneumococcal vaccine, at dalawang doses ng measles, mumps and rubella vaccine bago siya umabot ng isang taon.
Habang ang mga adolescent ay kailangan na magkaroon ng booster doses para sa measles-rubella vaccine, tetanus-diptheria vaccine, Hepatitis A, Hepatitis B, Influenza at Varicella o chicken pox. Payo rin ng DOH para sa mga adolescent girls na may edad na siyam hanggang labing-apat na taong gulang na magpabakuna ng HPV o humanpapillomavirua bilang pag-iwas sa pagkakaroon ng cervical cancer. Libre naman ang bakuna sa mga health center sa buong bansa ayon sa kagawaran, kinakaila­ngan lamang na magpa-schedule ng appointment.
MAG-INGAT SA MGA PRODUKTONG NAGLIPANA O KUMALAT ONLINE
May babala ang DOH o Department of Health na naiiwasan ang diabetes at iba pang non-communicable diseases dahil sa healthy lifestyle at hindi sa mga produktong naglipana online. Tugon ito ng kagawaran sa isang artikulo na kumalat online na ginamit ang mga pangalan nina DOH Secretary Teodoro Herbosa at ng UP-PGH o University of the Philippines – Philippine Gene­ral Hospital, tungkol sa pagtutulungan ng DOH at UP-PGH sa paghahanap ng tamang lunas para sa pagkontrol ng blood sugar kahit na nasa mga tahanan lamang. Naninindigan ang DOH na walang ganitong statement na nagmula kay Secretary Herbosa at sa UP-PGH.
Sinabi rin nito na ang mabisang panlaban sa diabetes ay proper diet na sasabayan ng regular exercise.

Previous articleBASAHIN: Pahayag ng DENR sa pagkasira ng coral reefs sa WPS
Next articleLotto Draw Result as of | September 22, 2023