Advertising sales ng FB, higit na apektado ng COVID-19

Advertising sales ng FB, higit na apektado ng COVID-19

March 25, 2020 @ 1:13 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

US — Sinabi ng Facebook Inc na binabawasan ng coronavirus outbreak ang sales ng advertising kahit pa mas maraming users ang gumagamit ng naturang app habang umiiral ang lockdown sa iba’t ibang panig ng mundo.

“We don’t monetize many of the services where we’re seeing increased engagement, and we’ve seen a weakening in our ads business in countries taking aggressive actions to reduce the spread of COVID-19,” ayon sa kumpanya.

Bumaba sa 1 porsyento ang shares ng Facebook matapos ang ilang oras kasunod ng 8.7 na porsyentong pagtaas nito sa regular trade.

Tumaas ng higit 50 porsyento ang messaging sa kanilang platforms sa buong nakalipas na buwan sa mga bansang higit na tinamaan ng virus. Sa Italy, karamihan sa mga users ay naglalaan ng 70 porsyentong oras sa naturang app.

Tumaas naman sa higit 1,000 porsyento sa Italy ang group calling kung saan may tatlo at higit pang participants nitong nakaraang buwan.

Tumanggi naman ang Facebook na magkomento sa kung anong kumpanya ang nakakaranas ng masamang business impact.

Ganito rin ang kaparehong industry guidance mula sa Twitter Inc, kung saan ibinalita nitong tumaas ang bilang ng kanilang active users ngunit bumaba ang kanilang first-quarter revenue outlook at nakapagtaya ng operating loss dahil sa outbreak.

Maraming advertisers ang nagbawas ng marketing budgets dahit sa “virus-related uncertainty”. Ilan sa mga ito ang naiuulat na nagdadalawang-isip na mag-advertise alinsabay sa coronavirus discussions dahil sa takot na maiugnay ang kanilang mga brand sa sensitibong usapin. Ulat mula sa Reuters

Share

Leave a Reply

Loading...