Home NATIONWIDE AFP balak kumuha ng ‘cyber warriors’ vs cyber attacks

AFP balak kumuha ng ‘cyber warriors’ vs cyber attacks

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng Philippine military na kumuha ng “cyber warriors” na didepensa sa online networks nito mula sa cyber attacks.

Kasabay nito, plano rin ng militar na palakasin ang Cyber Security Group nito at gawing Cyber Security Command, ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Romeo Brawner Jr.

Sa pagkuha ng mga cyber warrior, sinabi ni Brawner na mayroong pangangailangan na i-relax ang recruitment process.

“This time, we will recruit cyber warriors,” ani Brawner.

“We will be looking for talented, skilled individuals.. They might not be competent to pass the regular recruitment procedures and requirement, so we are relaxing them (requirements) a bit just like in other countries.”

Sa pakikipag-usap ni Brawner sa kanilang counterparts sa ibang bansa, ito na umano ang trend sa ibang military organizations.

“There is that general realization that these new breed of warriors do not necessarily have to be muscled, strong. What we need are individuals who are intelligent, very skillful in the cyber domain,” anang opisyal.

Samantala, sinabi ni Brawner na ang pagpapalakas sa Cyber Security Group para gawin itong Cyber Security Command ay mangangailangan ng karagdagang kapabilidad, tauhan at kagamitan.

“With the increased threats that we are facing and the importance of the cyber domain as a new domain in warfare, we thought of coming up with these changes like the development of the Cyber Command,” pagbabahagi ni Brawner.

Ang planong ito ay pinag-aaralan pa umano at kailangan munang aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “because we are going to change some of the organizations within the Armed Forces.”

Inaasahang matatapos ang pag-aaral patungkol dito ngayong taon.

Matatandaan na dalawang taon na ang nakalilipas ay na-hack ang cyber system ng AFP, at nagkaroon na rin ng maraming “attempts” para ma-hack ang kanilang sistema pagkatapos ng naturang insidente.

“We experience this almost every day,” ani Brawner sabay-sabing “They’re trying to penetrate our networks, but we are happy to note that so far, they are not successful.”

“We believe that some of the attacks are foreign, some of them are local,” pagtatapos nito. RNT/JGC

Previous article$4.26B investment deals tinintahan ng PH, Saudi
Next articleAFP, DND personnel bawal gumamit ng AI image generator apps – Teodoro