Home NATIONWIDE AFP chief bumisita sa EDCA site sa Palawan

AFP chief bumisita sa EDCA site sa Palawan

308
0

MANILA, Philippines- Ininspeksyon ni Armed Forces Chief General Andres Centino nitong Miyerkules ang pasilidad sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site sa Balabac, Palawan.

Batay sa ulat, magagamit ang mga pasilidad gaya ng runways sa 300-hectare Balabac island airbase, ng mga militar at sibilyan sa Balabac.

Magtatayo rin ng storage o warehouse ng humanitarian assistance, disaster response equipment, supplies, at barracks para sa American at Filipino soldiers sa lugar.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagpopondo sa konstruksyon ng airstrip, na bubuksan para sa commercial air traffic.

Samantala, sinisilip ang Narciso del Rosario Naval Station mng lugar bilang EDCA site kapag nagawa na ang malaking pier na gagamitin ng American at Filipino warships. 

“Come up with the facility or capability to at least detect vessels coming in and out. Before we even start planning to defend, ‘yun ang unahin natin kung sino yung pumapasok, if these are hostile or friendly forces,” pahayag ni AFP Chief of Staff, General Andres Centino Jr. RNT/SA

Previous articlePAGASA: ‘Dangerous’ heat index naitala sa ilang lugar sa Bicol, Visayas
Next article3 patay, 5 sugatan sa bumagsak na Balete tree

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here