MANILA, Philippines- Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules na konokonsidera nito ang mahigit-kumulang 300 lugar bilang posibleng hot spots sa pagsasagawa ng barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Oktubre.
“When asked about ilan ba ang magiging hot spots, kasi doon naman talaga nagkakaroon ng maraming activities, we’re looking first at the areas which the CPP-NPA are trying to recover or those areas where they have presence. We’re starting from that figure, more or less 300,” pahayag ni AFP spokesperson Colonel Medel Aguilar.
“We are also looking at areas kung saan meron pang active guerilla fronts like the Samar area,” dagdag niya.
Base kay Aguilar, mayroong 22 natitirang guerilla fronts at dalawa na lamang sa mga ito ang aktibo.
Samantala, inilahad ni Aguilar na wala pang namo-monitor ang AFP na anumang grupo ng dating military personnel na ginagamit para sa illegal activities kaugnay ng halalan.
Subalit, sinabi niya na Aguilar pinalakas ng AFP ang counter-intelligence capabilities nito para matukoy ang ex-military members na maaaring sangkot sa mga iligal na aktibidad.
“We strengthen our counterintelligence capabilities to make sure that we can still monitor those who have special skills so they don’t get hired for illegal activities,” patuloy niya.
Nitong Lunes, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na binabantayan nito ang tatlong aktibong private armed groups (PAGs) at 45 potensyal na PAGs bago sumapit ang BSKE.
Nauna nang inihayag ng Commission on Elections (Comelec), ayon sa tagapagsalita nitong si Atty. John Rex Laudiangco, na 100% na silang handa para sa darating na eleksyon.
Inilahad ni Laudiangco na halos 92 milyong balota na gagamitin para sa eleksyon ang naimprenta na hanggang nitong Mayo 10. RNT/SA