Home NATIONWIDE AFP handang umagapay sa BSKE sa NegOr

AFP handang umagapay sa BSKE sa NegOr

161
0

MANILA, Philippines – Siniguro ng Armed Forces Visayas Command (Viscom) nitong Martes na nakahanda itong tumulong sa mga kinauukulang ahensya sa pag-secure ng Barangay at Sangguninang Kabataan elections (BSKE) sa Negros Oriental.

“We have a contingency for this situation. We have been planning and making necessary coordination since March of this year,” ani Viscom commander Lieutenant General Benedict Arevalo.

“We are prepared and have enough personnel to support the Commission on Elections (Comelec) and the Philippine National Police (PNP) in ensuring the peaceful and safe conduct of the BSKE in Negros Oriental,” aniya pa.

Itutuloy ang botohan sa Negros Oriental sa Oktubre 30 sa kabila ng mga apela para sa pagpapaliban nito dahil sa naiulat na karahasan sa pulitika, sinabi ni Comelec chairperson George Garcia nitong Lunes.

Gayunman, ipinunto ni Garcia na ang buong lalawigan ay isasailalim sa kontrol ng Comelec at ang mga kinakailangang guidelines kung paano ito ipapatupad ay ilalabas sa lalong madaling panahon.

“Patungkol sa Negros Oriental, ang Comelec en banc ay nagdesisyon nang unanimously—tuloy ang eleksyon sa October 30, pero ilalagay namin sa Comelec control ang buong probinsya,” ani Garcia said at a press conference.

“Minarapat ng inyong Comelec na ituloy ito dahil base sa nakalap namin sa mga papeles, dokumento, ebidensya mula sa lugar kung saan nagkaron ng tatlong araw na pagdinig sa Comelec, napatunayan namin overwhelmingly, na talagang gusto ng kababayan natin doon na tumuloy ang eleksyon. sa Oktubre 30,” dagdag niya.

Sinabi ni Arevalo na makikipag-ugnayan ang Viscom sa PNP para sa isang harmonized deployment at security plan gayundin sa Comelec para sa mga hakbang na ipatutupad sa Negros Oriental. RNT

Previous articlePBBM: Pasaway na parak walang puwang sa PNP
Next articleFuel tax suspension kinastigo ni Diokno: Papabor lang sa mayayaman 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here