UMINGAN, Pangasinan – Arestado ang isang opisyal ng Armed Forces na may ranggong major dahil sa panunutok ng baril sa isang bystander sa isang sementeryo dito noong All Saints’ Day.
Kinilala ng Pangasinan Provincial Police Office ang suspek na si Major Leo Badua Luzano, 39, residente ng bayang ito.
Ayon sa imbestigasyon, humingi ng tulong ang suspek sa mga bystander para makapasok sa sementeryo sa Barangay Poblaction East.
Pinilit umano ni Luzano na sumakay ng sasakyan ang isang bystander na si Jerry Sagun Dalip. Hindi naman pinansin ni Dalip ang suspek na sinasabing lasing.
Binunot at itinutok ng suspek ang kanyang baril sa ulo ni Dalip, na nagresulta sa kaguluhan. Dito na naaresto ang suspek at nagawang makuha ng awtoridad ang kanyang service firearm, mga bala at apat na magazine, at lisensya sa pagmamaneho.
Nahaharap si Luzano sa kasong paglabag sa election gun ban disobedience to persons of authority. Santi Celario