Home NATIONWIDE AFP nagsagawa ng airdrop mission sa BRP Sierra Madre – source

AFP nagsagawa ng airdrop mission sa BRP Sierra Madre – source

MANILA, Philippines-  Matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang airdrop mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal nitong weekend, kinumpirma ng isang senior military official nitong Martes.

Sinabi ng source, na hiniling na huwag pangalanan, na nag-airdrop ang Philippine Navy Islander maritime patrol aircraft ng mga supply para sa mga tauhan sa grounded ship nitong Linggo, alas-8:49 ng umaga.

Tatagal ang mga supply ng isa hanggang dalawang linggo, dagdag ng source.

Ayon sa AFP nitong Lunes, ipinagpaliban ang ang rotation at resupply mission nito sa Ayungin Shoal matapos magkaaberya ang supply boat Unaizah Mae 1.

Matatandaang iginiit ng Beijing na sumang-ayon ang Manila na aalisin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, subalit walang naipakitang ebidensya upang patunayan ito. RNT/SA

Previous articleDaniel, di invited sa Bea-Dom wedding!
Next articleLPG price freeze pinairal sa ilang bahagi ng Mindanao