Home HOME BANNER STORY AFP: NPA fighters 1,500 na lang

AFP: NPA fighters 1,500 na lang

MANILA, Philippines- Mahigit-kumulang 1,500 fighters na lamang ang Maoist New People’s Army (NPA), ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Medel Aguilar nitong Martes.

“Humina na po ang kakayahan ng NPA, more or less nasa 1,500 na lang po sila,” ani Aguilar sa isang panayam sa radyo.

Noong Hulyo, sinabi ni Aguilar na ang NPA ay mayroong halos 1,800 fighters.

Ani Aguilar, nangangahulugan ito na malabo nang makapagsagawa ang NPA ng tactical offensives o pag-atake sa government forces.

“So kung titignan natin while they are still capable of mounting terror actions pero tinitignan namin generally hindi nila kaya ang mga tactical offensives,” anang opisyal.

Ginugunita ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang ika-55 anibersaryo nito ngayong Martes.

Upang alalahanin iro, nagdeklara ang CPP ng unilateral ceasefire. Subalit, ayon sa AFP: “Wala na pong control ang central committee na sa aming pagkakaalam ay mahina na po at watak-watak.”

“Nagtaka nga po kami kung bakit may ganung deklarasyon (ceasefire) dahil hindi na po namin pinapansin ang national leadership dahil admittedly, kahit sila po ay walang talagang leadership,” patuloy niya.

Noong December 2022, namatay si CPP founder Jose Maria Sison sa edad na 83 taong gulang sa kanyang self-exile sa Netherlands.

Itinatag ni Sison ang CPP noong December 26, 1968, habang nilikha kalaunan ang armed wing nito noong March 29, 1969. RNT/SA

Previous articleTsina nagbabala: Rocket debris babagsak sa South China Sea
Next articlePH gov’t nanindigan sa PUV consolidation deadline