MANILA, Philippines – Hindi nakikialam sa direksyon ng foreign policy ng gobyerno sa China sa gitna ng isyu sa West Philippines Sea (WPS) ang Philippine Coast Guard at militar , sinabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.
“In response sa comment na we are commenting sa foreign policy direction ng Pangulo, tingin ko naman there is a disconnect between that,” sabi ni Tarriela sa panayam ng DZBB.
Ayon kay Tarriela, hindi nakikisangkot ang PCG sa usaping foreign policy pagdating sa China at Estados Unidos.
Sinabi ni Tarriela na mula sa laser incident sa Ayungin Shoal noong Pebrero, ang National Task Force para sa WPS ay batid ng publiko ang pagsalakay ng China sa West Philippines Sea.
Idinagdag ni Tarriela na ang NTF-WPS ay magpapatuloy sa pagsasapubliko ng mga insidente sa WPS.
Naulit ang panghaharas ng China noong Agosto 5 nang bombahin ng water cannon at hinarangan ang PGC vessel para sa kanilang resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Gayunpaman, sinabi ng Beijing na ang mga barko ng Pilipinas ay pumasok sa Ayungin Shoal, na sinabi nitong bahagi ng teritoryo nito, at nilabag ang mga batas ng China sa pamamagitan ng pagtatangka sa resupply mission. Jocelyn Tabangcura-Domenden