
MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nais niyang i- “rationalize” ang promotion system sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay matapos na pangasiwaan ang oath of office ng 77 newly appointed at promoted AFP generals at flag officers sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Lunes.
“‘Yung promotion, SOP [standard operating procedure] na ‘yan . That’s why we did what we did earlier to normalize and I used the word rationalize ‘yung promotions system na ginawa sa AFP,” ayon sa Pangulo sa isang panayam matapos ang 2023 Tax Campaign kickoff ng Bureau of Internal Revenue sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
“So this is just another part of that ongoing process. We normalize the process of promotion already and naibalik natin sa dati,” dagdag na wika nito.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa nasabing oath-taking ceremony, hinikayat ng Punong Ehekutibo ang militar na “keep up with the times” and be more agile in fostering partnerships as the global situation becomes “more and more complicated.”
“We, therefore, have to be more agile in our responses not only in the military area but also in diplomacy, also in geopolitical negotiations, and in our partnerships that we foster with our friends and allies around the world,” aniya pa rin.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos, bilang AFP commander-in-chief, ang pangangailangan na palakasin ang kolaborasyon ng bansa sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kaalyado, partners at iba pang stakeholders para pangalagaan at isulong ang national interest ng bansa sa gitna ng tensyon a hamon.
Nais ng Pangulo na palakasin ang kolaborasyon ng bansa sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kaalyado, partners, at at iba pang stakeholders para pangalagaan at isulong ang national interest ng bansa sa gitna ng tensyon at mga hamon.