Home NATIONWIDE Agarang tigil-putukan sa Gaza ipinanawagan ng Pinas

Agarang tigil-putukan sa Gaza ipinanawagan ng Pinas

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng kagyat na tigil-putukan sa Gaza at mapigilan na tumindi ang situwasyon doon.

Idinaan ng Pangulo ang kanyang panawagan sa kanyang naging talumpati sa idinaos na bilateral meeting kasama si Vietnam President Vo Van Thuong sa Hanoi, araw ng Martes, Enero 30.

“The Philippines supports the efforts of the United Nations to deliver urgent humanitarian assistance and essential supplies to Palestinian civilians caught in the midst of the conflict in the Gaza Strip. We also continue to support the UN peacekeeping missions in the region,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang diin nito na mahalaga na magkaroon ng papel ang UN sa pagtugon sa situwasyon.

“We urge all parties to exert restraint to prevent the escalation of the conflict and that the Philippines supports the immediate ceasefire in Gaza,” ayon sa Pangulo sabay sabing mayroong mahigit na dalawang milyong Filipino sa rehiyon.

“The Philippines firmly supports a two-state solution, consistently aligned with past international agreements and relevant UN resolutions. Both Israelis and Palestinians deserve a future where their rights, their aspirations, and security are recognized and upheld,” dagdag na pahayag nito.

Nababahala rin ang Pangulo sa tumataas na karahasan sa rehiyon lalo na sa Lebanon at sa Red Sea kung saan, sa ngayon ay may 17 Filipino ang bihag.

Aniya, handa ang Pilipinas na makatrabaho ang ibang bansa tungo sa long-lasting resolution sa labanan alinsunod sa UN Security Council Resolutions at sa pangkalahatang prinsipyo ng international law.

Binanggit din ng Pangulo ang nakababahalang situwasyon sa Taiwan Strait at Myanmar.

Giit ng Pangulo, ang anumang tunggalian sa Taiwan ay makaaapekto sa hilagang teritoryo ng Pilipinas, kung saan makokompromiso ang kaligtasan ng mga Filipino.

“I am greatly concerned over tensions across the Taiwan Strait. Any conflict in Taiwan is certainly going to affect the northern territories of the Philippine archipelago, and may compromise the safety and wellbeing of the 170,000 Filipinos who now have made their lives in Taiwan. I understand that Viet Nam has a sizable population in Taiwan as well,” aniya pa rin.

Umaasa naman ang Chief Executive na babalik ang kapayapaan at katatagan sa Myanmar.

“We certainly remain concerned with the humanitarian situation in Myanmar and urge that efforts be made to end the violence and the conflict, or at least for the prevention of the conflict from escalating,” anito. Kris Jose

Previous articleMas mabigat na parusa sa tiwaling law enforcers inihain sa Kamara
Next articleIndianong nagpapautang pinagbabaril sa N. Cotabato