Home NATIONWIDE Agawan sa SCS dahil sa US-China rivalry ibinasura ni PBBM

Agawan sa SCS dahil sa US-China rivalry ibinasura ni PBBM

245
0

MANILA, Philippines – HAYAGANG ibinasura ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang para sa kanya’y “misleading narratives” ang palabasin sa ulat na ang nangyayaring agawan sa South China Sea ay dahil sa labanan sa pagitan ng Estados Unidos at China.

“The Philippines firmly rejects misleading narratives that frame the disputes in the South China Sea solely to the lens of strategic competition between two powerful countries,” ayon kay Pangulong Marcos sa intervention sa idinaos na 43rd ASEAN Summit Retreat Session.

“This not only denies us our independence, our agency, but it also disregards our own legitimate interests,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Ang Estados Unidos ang itinuturing na isa sa pinakamatatag at pinaka-“vocal ally” ng Pilipinas sa territorial dispute nito sa China partikular na ang usapin na may kinalaman sa bahagi ng South China Sea kung saan West Philippine Sea ang tawag ng Maynila.

Ang Brunei, Malaysia, Pilipinas, Taiwan at Vietnam ang mga bansang pumalag sa malawakang pag-angkin ng China sa South China Sea.

Sa ulat, kini-claim o inaangkin ng Tsina virtually ang buong South China Sea at hindi pinansin ang 2016 ruling ng tribunal sa The Hague na pinabulaanan ang claims ng Beijing sa naturang teritoryo sa karagatan.

Ang kaso ay isinampa ng Pilipinas, na sinabi na dinebelop ng Tsina ang pinag-aagawan na reefs sa artificial islands na may airplane runways at iba pang istruktura kaya ito ngayon ay kahawig ng mga base militar. Kris Jose

Previous article6 parak sinibak ng bagong QCPD chief sa viral road rage
Next articlePhilippine Islamic Burial Act OKs na sa Kamara

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here