Home ENTERTAINMENT Age restriction kinalos ng Miss U!

Age restriction kinalos ng Miss U!

470
0

MANILA, Philippines – Inalis na ng Miss Universe Organization ang age restrictions para sa lahat ng kababaihang sasali sa mga pageant nito sa susunod na taon.

Ginawa ng Miss Universe Philippines ang anunsyo ngayong Miyerkules sa social media ng organisasyon.

Sinabi ng grupo na sasaklawin nito ang lahat ng 2024 Miss Universe at mga kaugnay na pageant sa buong mundo.

“Starting then, every adult woman in the world will be eligible to compete to be Miss Universe,” anito.

Binanggit din nito ang isang inclusive report mula sa Women’s Wear Daily, kung saan inihayag ni Miss Universe R’Bonney Gabriel ang desisyon ng organisasyon.

“What I love about Miss Universe is that they are always out first in line, looking for ways they can be more inclusive and better live up to the platform that they’ve designed for us,” ani Gabriel sa panayam.

Nakasaad sa naunang patakaran na ang mga kandidato ay dapat 18 taong gulang at hindi lalampas sa 28 taong gulang kapag sumali sa Miss Universe pageants. RNT

Previous articlePassport binili sa Tiktok, Pinay hinarang ng BI
Next articleSUV na umararo sa buntis natunton na; suspek tukoy na rin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here