Home HOME BANNER STORY Agresyon ng Tsina sa Pinas ikinababahala ng Europa – German FM Baerbock

Agresyon ng Tsina sa Pinas ikinababahala ng Europa – German FM Baerbock

MANILA, Philippiens- Sinabi ni German Foreign Minister Annalena Baerbock na itinuturing ng Europa na isang malaking “concern” ang mapanganib na pagmamaniobra ng Tsina sa Philippine vessels sa South China Sea.

Para kay Baerbock, ang ginawa ng Tsina ay malinaw na paglabag sa international laws at balakid sa freedom of navigation.

“I think we all agree that the world doesn’t need another crisis,” ani Baerbock.

“There are rough winds blowing across the South China Sea, and this is happening in the middle of one of most dynamic economic regions of the world,” dagdag niya.

Ang insidente aniya sa mga nakalipas na buwan kung saan ginamitan ng Chinese Coast Guard ng lasers at water cannons ang Philippine resupply vessels at collision incidents ay “of concern for us in Europe even though we are thousands of kilometers away.”

“Such risky maneuvers violate the rights opportunities for economic development of your own country and other littoral states as well,” wika niya sabay sabing ang naging aksyon ng Tsina ay “call into question the freedom of navigation that is enshrined in international law.”

Kasalukuyang nasa bansa si Baerbockis para sa official visit kung saan nakapulong nito sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ang kanyang counterpart na si Foreign Affairs Enrique Manalo sa Palasyo ng Malakanyang.

Ang naging pagbisita ni Baerbockis ay marka ng unang pagbisita ng German Federal Foreign Minister to the Philippines sa nakalipas na dekada.

Samantala, mahalagang tinalakay naman nina Pangulong Marcos, Baerbock at Manalo ang political at economic relations na nakatuon sa peace initiatives at development cooperation ng Germany sa Pilipinas at ang commitment ng dalawang bansa sa rules-based international order sa gitna ng tumataas na tensiyon sa South China Sea. Kris Jose

Previous articleLRT-2 ops naantala sa power supply issue
Next articleOil tanker sa Gulf of Oman sinalakay ng Iran; 18 sa 19 tripulante, Pinoy!