Home HOME BANNER STORY Agri damage kay Goring, P1B na!

Agri damage kay Goring, P1B na!

313
0
default

MANILA, Philippines – Sumampa na sa P1 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Goring, iniulat ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules, Setyembre 6.

Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, ang halaga ng production loss dahil sa bagyong Goring ay lumobo pa sa P1.14 bilyon.

Pininsala rin ng bagyo ang 44,928 ektarya ng sakahan sa Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas, at naapektuhan ang 35,006 magsasaka.

Umabot naman sa 51,283 metriko tonelada (MT) ang napinsalang pananim at farm animals.

“The affected commodities include rice, corn, high-value crops, livestock and poultry,” ayon sa DA.

Ang bigas ang pinakanapuruhan sa P979.42 milyong halaga ng pinsala at volume loss na 41,238 MT sa 38,949 ektarya ng palayan.

Sinundan ito ng mais sa total value loss na P148.6 milyon, katumbas ng 9,723 MT ng pananim sa 5,911 ektarya ng maisan.

Nagtamo naman ng P12.50 milyong halaga ng pinsala ang high-value crops, sa total volume loss na 322 MT sa 68 ektarya ng taniman.

Habang ang livestock at poultry sub-sector ay nakapagtala ng P2.59 milyong pinsala, o katumbas ng 1,488 baka, kalabaw, kambing, manok, baboy, tupa, pato, turkey at guinea fowl na nasawi dahil sa bagyong Goring.

“The DA, through its RFOs (regional field offices), is conducting assessments of damage and losses brought by ‘Goring’ in the agriculture and fishery sectors,” sinabi pa ng DA.

Idinagdag din ng ahensya na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa concerned national government agencies, local government units, at iba pang DRRM-related offices para sa iba pang epekto ng bagyo at kinakailangang tulong.

Naghanda naman ang ahensya ng mga tulong sa mga apektadong magsasaka katulad ng mga binhi, loan program, rehabilitasyon at mga gamot. RNT/JGC

Previous articlePinas, lumagda ng MOU sa agri development sa ASEAN member-states
Next article2023 PH Professional Sports Summit  pangungunahan ni GAB chairman Clarin

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here