Home NATIONWIDE Agri damage sa El Niño tumaas sa P810M – NDRRMC

Agri damage sa El Niño tumaas sa P810M – NDRRMC

MANILA, Philippines – Umakyat na sa P810 milyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa epekto ng El Nino, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, Pebrero 27.

Sa pinakahuling ulat, sinabi ng NDRRMC na naitala ang P810,711,612 halaga ng pinsala dahil sa patuloy na epekto ng El Nino sa agricultural areas sa buong bansa.

Malaking bahagi ng pinsala ay iniulat sa Western Visayas sa P487,487,179, sinundan ng Mimaropa sa P319,755,957, Calabarzon sa P2,750,947, at Zamboanga Region sa P717,527.

Nasa kabuuang 13,326 magsasaka at mangingisda, sa 12,493 ektarya ng taniman at pangisdaan ang apektado.

Anim na barangay sa Himamaylan, Negros Occidental ang nakapagtala na ng water shortage mula noong Disyembre 2023.

Samantala, nagpapatupad na rin ng rationing scheme ang Zamboanga City dahil din sa limitadong suplay ng tubig.

Matatandaan na idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng El Niño phenomenon noong Hulyo 4. RNT/JGC

Previous articleCloud seeding planong isagawa ng PAF sa Benguet vs forest fire
Next articleHawaii binalaan ng US sa pagkuha ng Chinese police ng Kiribati