Home NATIONWIDE Agri groups kay PBBM: Poultry industry tutukan

Agri groups kay PBBM: Poultry industry tutukan

MANILA, Philppines- Nanawagan ang agriculture stakeholders nitong Lunes para sa mas masusing desisyon sa poultry industry, kabilang ang importasyon.

Sinabi ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM) na nakipagpulong kamakailan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Philippine Council for Agriculture and Fisheries-National Sectoral Committees maging sa regional agricultural at fishery councils para talakayin ang mga isyu sa industriya.

Ayon kay PRRM president Edicio dela Torre, narinig ni Marcos ang pananaw at interes ng producers, partikular sa poultry at livestock.

“But based on the feedback of key participants in the meeting, the important issue of over importation, legal and illegal, of meat especially poultry was not discussed. That’s the downside,” pahayag ni Dela Torre.

Kasunod ng ikalawang State of the Nation Address ng Pangulo, tinawag din ni United Broiler Raisers Association (UBRA) chairman Gregorio San Diego ang atensyon ni Marcos hinggil sa pagkakaroon ng plano kung paano mapahuhusay ang local poultry industry at ang buong agriculture sector.

Sinabi ng PRRM na ang local poultry industry ay patuloy na “saddled with the same issue of overabundant supply of chicken in the market,” na dahil sa over importation at talamak na smuggling.

Anang grupo, matutugunan ng local output ang dagdag na per capita consumption. Subalit, patuloy ang pagpasok ng imports sa Pilipino at naaapektuhan nito ang local producers.

Ani Dela Torre, dapat ikasa ang temporary moratorium sa poultry imports sa gitna ng oversupply.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang Presidential Communications Office (PCO) ukol dito.

Samantala, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) executive director Jayson Cainglet na ikagagalak sana ng grupo kung binanggit ni Marcos sa kanyang SONA ang konstruksyon ng unang border inspection facility sa bansa, “which is touted as a legacy of his administration.” RNT/SA

Previous articleWalang nakasungkit ng jackpot sa July 30 draws ng Super, Ultra Lotto
Next articleSuporta ng int’l community sa Egay-hit areas, bumuhos

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here