Home NATIONWIDE Agri, infra damage sa ‘habagat,’ 3 bagyo sumampa na sa P2.5B

Agri, infra damage sa ‘habagat,’ 3 bagyo sumampa na sa P2.5B

242
0

MANILA, Philippines- Umabot na ang halaga ng agriculture at infrastructure damage attributed dahil sa southwest monsoon at mga Bagyong Goring, Hanna, at Ineng sa tinatayang P2.5 bilyon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Mas mataas ito ng P600 milyon kumpara sa P1.9 bilyong halaga ng pinsala na naiulat noong Sept. 8, ayon sa pinakabagong bulletin ng ahensya.

Sa halagang ito, P1.513 bilyong halaga ng agricultural damage ang naital sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala, pumalo na ang infrastructure damage sa P905.7 milyon sa anim na rehiyon.

Sa parehong bulletin, umabot na ang bilang ng mga napinsalang bahay sa 7,813 sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera.

Samantala, sumampa ang bilang ng mga apektadong pamilya sa 312,818 na katumbas ng 1,163,529 indibidwal na naninirahan sa 2,394 barangay sa walong rehiyon. RNT/SA

Previous articleP5.7B budget para sa 2025 twin polls ipinababalik ng Comelec
Next articleNova, tinanong kung niligawan siya ni FPJ, natameme!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here