Home NATIONWIDE Agri-smuggling efforts, pagbuo ng trabaho, inaasahan ni Legarda sa SONA ni PBBM

Agri-smuggling efforts, pagbuo ng trabaho, inaasahan ni Legarda sa SONA ni PBBM

MANILA, Philippines – Umaasa si Senate President Pro Tempore Loren Legarda na babanggitin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang susunod na State of the Nation Address (SONA) ang usapin patungkol sa job creation, pandemic recovery plans at agricultural smuggling efforts.

“I’d like to hear first how we can speed up job creation so that the economy will be more robust. I’d like to hear how we can we curb, if not totally eliminate, agricultural smuggling [and] break down cartels. I’d like to see a roadmap for sustainable pandemic recovery, not just in the health sector but in food security, in energy security, in job creation and livelihood creation,” sinabi ni Legarda sa panayam ng mga mamamahayag.

“I’d like to see us continuously engaging in the global and world stage and the President clearly did that in his 12 months,” dagdag pa niya.

Inaasahan din ni Legarda na idedeklara ni Marcos ang plano para sa mga guro, nurse at iba pang manggagawa na magkaroon ng maalwang buhay.

Kailangan din umano na magkaroon ng mga hakbang ang pamahalaan na magbibigay ng pag-asa sa mga kabataang Filipino.

Sa kabila na mayroong mga batas sa naturang mga usapin, nalulungkot si Legarda na hindi naman istriktong naipatutupad ang mga ito ng mga ahensyang nakasasakop dito.

“We have the laws to all of these if we think about it and I like to see our laws work,” anang senador.

Inalala rin niya ang mga panahon kung saan ang mga batas ay tila ba suhestyon lamang.

“So I also challenge the implementers of our laws na take it to heart, aralin niyo, istriktuhan natin ang pagpatupad ng batas sa anomang sector,” dagdag pa ni Legarda.

Nakatakdang humarap si Marcos sa publiko sa kanyang ikalawang SONA sa Hulyo 24. RNT/JGC

Previous articleKasangga exercise ng PH, Australian armies tapos na
Next articleDalagita pinulutan ng kainuman