MANILA, Philippines- Nangako ang Alpha Assistenza SLR, ang ahensya iniuugnay sa recruitment scam na bumiktima umano sa 68 inidbdiwal, nitong Huwebes na makikipagtulungan sa imbestigasyon.
“My client is willing to participate in the investigation, ongoing. That’s all I can say right now and my client is willing to answer in the proper forum,” pahayag ni Atty. Charlie Pascual, legal counsel ni Krizelle Respicio, may-ari ng kompanya, sa panayam sa Department of Justice (DOJ).
Nagpasaklolo ang mga biktima sa DOJ noong nakaraang buwan at sinabing pinayagan silang magbayad 3,000 euros o P180,000 nang installment basis para sa kanilang work permits.
Subalit, nang maisumite na ng mga biktima sa Italian Embassy ang umano’y permits para maproseso ang kanilang work visa, na-deny ang kanilang aplikasyon.
Ani Pascual, nakipagpulong siya kay Justice Secretary Jesus upang ihayag ang intensyon ng kanilang ahensya na makipagtulungan sa umiiral na imbestigasyon.
“Yun lamang po. She’s been receiving too much from some media entities, medyo hindi na niya kaya. So I said to her, we have to come out to the open and clear your name,” aniya.
“The story will come out, the truth will come out,” giit niya.
Nauna nang inihayag ng Alpha Assistenza na unang isinagawa ng hired liaison ang pagproseso ng application documents sa Pilipinas. Anito, naproseso ng liaison ang mahigit 85 kliyente.
Inihayag pa ng ahensya na nangolekta ng pera ang liaison mula sa mga aplikante bilang umano’y karagdagang bayad. RNT/SA