Home ENTERTAINMENT Ai Ai, nagka-problema sa mata, nagpa-botox! ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, nagka-problema sa mata, nagpa-botox! July 6, 2023 08:00 323 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Myokomia o eye twitching ang iniinda ni Ai Ai de las Alas, dahilan para sumailalim daw siya sa botox treatment. Dati raw ay mata lang niya ang nagti-twitch, damay na raw pati talukap ng kanyang mga mata. The Comedy Concert Queen attributes the said condition to stress. May kinalaman din daw ang kanyang jetlag dahil sa paroo’t parito niya sa Amerika. Sa ngayon ay nasa US pa rin ang komedyana na iniinda ang sobrang pagod na inaabot sa biyahe. Pero maayos na raw ang kanyang kalagayan ngayon. ‘Yun nga lang, Ai Ai failed to come home to promote her latest movie. Isang lola na may Alzheimer’s disease ang papel na ginagampanan niya roon. Nakatulong daw nang malaki ang pagiging activity director niya sa isang nursing facility sa San Francisco. Pulos kasi mga matatanda na ang nakakasalanuha niya doon. It’s from those elderly people na kumuha siya ng inspirasyon to be able to nail the role. Incidentally, Litrato ang pamagat ng ipino-promote niyang pelikula. And speaking of old photos, the ones which she keeps to this day ay ang larawang buntis siya. ‘Ika nga, dino-document niya noong time that she was heavy with her children until they grew up. Tatlo ang anak ni Ai Ai, two of whom are by singer Miguel Vera na kapwa naka-base sa Amerika. Ronnie Carrasco III