Home HOME BANNER STORY Airfare nagbabadyang tumaas sa Marso

Airfare nagbabadyang tumaas sa Marso

MANILA, Philippines- Inaasahang tataas ang air fares sa mga susunod na buwan matapos i-upgrade ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge level para sa buwan ng Marso.

Sa abiso, sinabi ng CAB na itinakda ang passenger at cargo fuel surcharge para sa domestic at international flights sa Level 6 para sa March 1–31 period, mula sa kasalukuyang Level 5.

Opsiyonal lamang ang pagbabayad ng fuel surcharge, bukod sa base fare, na maaaring ipasa ng airlines sa mga pasahero upang marekober ang gastos dulot ng “volatility” ng jet fuel.

Sa ilalim ng Level 6, magbabayad ang mga pasahero ng P185 hanggang P665 na fuel surcharges para sa domestic flights, depende sa distansya ng flight.

Para sa international flights, pumapalo ang surcharge mula P610.37 hanggang P4,538.40.

“Airlines wishing to impose or collect fuel surcharges for the same period must file [their] application with this Office on or before the effectivity period, with fuel surcharge rates not exceeding the above-stated level,” pahayag ng CAB. RNT/SA

Previous articleMga lalaking na-link kay Dom, nagsalita na!
Next articleKaso ng tigdas umakyat ng 79% noong 2023