Home NATIONWIDE Airline companies nagbabala vs pagbili ng ticket sa socmed

Airline companies nagbabala vs pagbili ng ticket sa socmed

MANILA, Philippines- Nagbabala ang local airline companies sa mga biyaherong iwasang bumili ng tickets na ibinebenta online upang maiwasang mabiktima ng online scammers.

Ito ay sa inaasahan ng airline companies na mga pasaherong magbu-book ng kanilang flights para sa ‘summer’ season.

Sa katunayan, sinabi ng airline companies sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na mahigit 700,000 local at foreign travelers ang nakapag-book na ng kanilang flights para sa kanilang biyahe mula March 1 hanggang May 31 ngayong taon.

Anang airline companies, tulad ng Philippine Air Lines, Cebu Pacfic at Air Asia, ang tickets na ibinebenta sa social media tulad ng Facebook, Twitter at Instagram ay hindi valid. RNT/SA

Previous articleCashless payment methods pumapatok na sa mga Pinoy – pag-aaral
Next articlePagbawas sa Angat water allocation pinaghahandaan na ng Manila Water, Maynilad