MANILA, Philippines- Isinailalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang mga paliparan sa bansa sa heightened alert kasunod ng umano’y mga bantang natanggap ng ilang mga pasilidad nito sa nakalipas na linggo.
Sa panayam nitong Huwebes, sinabi ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na nagpatupad ng “extra precautions” na nakahanay sa standard operating procedure ng CAAP.
“Magdadagdag tayo ng personnel sa strategic areas ng airport, yung vehicle check mandated po ‘yan, full patrol. Advised natin ‘yung mga stakeholders, airlines, quarters natin,” pahayag niya.
Kasunod ang anunsyo ng pagkakatuklas ng umano’y bomb threat sa maiksing sulat sa palikuran ng isang eroplano sa Bicol International Airport nitong Miyerkules, na nakaabala sa operasyon.
Kumalat din sa social media ang isa pang umano’y bomb threat.
“Actually, yung word na ‘heightened’ alert ay dagdag lang po yung pero actually ang airport ay talagang mahigpit talaga,” ani Apolonio.
Aniya, nagtutulungan ang CAAP at thang e Philippine National Aviation Security Group sa pagtukoy sa mga indibidwal na nasa likod ng pagbabanta.
“May mga security layers naman po ang aircraft, di ko lang po pwedeng idikta dahil internal po nila ‘yan, pero pagtulungan po ng mismong piloto at ng ating AVSE group palagay ko makikita naman po yan,” wika niya.
“[On the bomb threat via social media,] iniimbestigahan na po ito dahil madali na matrace dahil sa internet na pinadala eh. Yung ating mga expert sa DICT, makikita ‘yan,” dagdag ni Apolonio.
Sa ilalim ng 2022 Terrorism Act, ang indibidwal na mahahatulangl guilty sa paggawa ng bomb threats ay maaaring pagmultahin ng P40,000 at maharap sa 15 taong pagkakabilanggo. RNT/SA