Home OPINION AIRPORT, SJDM PARA SA TULOY-TULOY NA PROGRESO NG BULACAN

AIRPORT, SJDM PARA SA TULOY-TULOY NA PROGRESO NG BULACAN

WALA nang makapipigil sa pag-unlad at pag-asenso ng lalawigan ng Bulacan na idudulot nang napipintong pagkapanalo ng YES sa plebisitong darating sa October 30.

Ang plebesito ay para sa ganap na pagiging highly urbanized city ng San Jose Del Monte.

Kaya naman walang humpay ang pasalamat kay Gov. Daniel Fernando, ang ama ng lalawigan, katuwang ang local executives ng bawat siyudad.

Kasi naman, maraming positibong pagbabago ang nangyayari sa Bulacan para sa ikabubuti ng milyong residente na umaasa ng mas de kalidad na serbisyo mula sa lokal na pamahalaan, na mula naman sa pamumuno ni Fernando.

Ang kasalakuyang itinatayong Manila International Airport ng San Miguel Corporation ay isang malaking tagumpay  sa pamumuno ng mahusay na  gobernador.

Ang pagdagsa ng mga negosyante sa bawat siyudad ng lalawigan ay patunay lang na may tiwala ang Bulakenos sa kakayahang mamuno ng gobernador.

Ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ang San Joseños sa suportang ibinibigay ng kapitolyo upang maging ganap na ‘highly urbanized’ city ang San Jose Del Monte, isa sa premyadong siyudad sa buong lalawigan.

Siguradong mas maraming trabaho, kalidad na serbisyo at higit na mapapabuti ang buhay ng mga taga-San Jose del Monte City  oras na maging Highly-Urbanized City ang pinakamalaking lungsod sa Bulacan.

Naniniwala ang marami na mananaig ang YES sa darating na Oktubre 30, 2023 kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Masuwerte ang mga karatig-lalawigan ng SJDM dahil makikinabang ang mga ito kapag highly urbanized city ang una.

Ito na ang pagkakataon at tamang panahon na ibigay ang mas mainam at mahusay na serbisyo sa mga taga-San Jose.

Oras na pumayag ang mga taga-San Jose para sa HUC, lalago ang ekonomiya at mabibigyan ng trabaho ang karamihan dahil maeengganyo na mamuhunan sa lungsod ng mga namumuhunan.

Bukod pa rito, mas malaking pondo ang makukuha ng lungsod mula sa pambansang pamahalaan upang maisaayos ang mga imprasturktura, edukason at iba pang serbisyong pang-komunidad.

Ayon kay San Jose Del Monte City Mayor Arthur Robes na kung maraming papasok na pondo sa lungsod, makakapagpagawa ng maayos na imprastruktura, madaragdagan ang mga namumuhunan, maraming mabibigyan ng trabaho pati sa katabing mga lalawigan at ciudaf at makakaakit ng turismo.

“We have started laying the foundation in the city wherein we only have one aim that is to improve the lives of San Josenos,” saad ng punong lungsod.

Makakatulong din aniya ang pagiging HUC sa paglago at pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng masusing pagpaplano at pamamahala.

Ang pagiging HUC ay magreresulta sa mas agarang pangangasiwa sa lokal na patakaran, regulasyon at paggawa ng desisyon.

“Maaaring i-channel ng lungsod ang mga pamumuhunan sa mas mabuting serbisyong pampubliko tulad ng edukasyon, pangagailagang kalusugan, kalinisan at kaligtasan ng publiko, pagppaunlad ng mga pinahusay na paaralan, ospital at mahahalagang serbisyo sa komunidad,” ani Robes.

Noong Disyembre 2020, ipinroklama ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan bilang highly-urbanized city sa bisa ng Proclamation No. 1057.

Kailangan na lamang na bumoto ng YES ang mga taga-San Jose del Monte sa panlalawigang plebisito upang maging ganap na HUC.

Sa suporta ni Fernando at ng buong lalawigan ay walang duds nakatakda nga na maging highly urbanized city ang San Jose Del Monte.

 

Previous articlePHILHEALTH SUMUPORTA SA “LAB FOR ALL” SA BATAAN
Next articlePAMILYANG UMAASA NG KATARUNGAN MULA SA HUKUMAN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here