Home ENTERTAINMENT AJ, kilala ang babaing nang-agaw kay Aljur kay Kyle!

AJ, kilala ang babaing nang-agaw kay Aljur kay Kyle!

600
0

Manila, Philippines – Sabi nga, “let sleeping dogs lie.”

In relation to the past, hayaan na ang nakaraan; huwag nang ibalik pa.

Ganito ang paniniwala ni AJ Raval kaugnay sa hindi mamatay-matay na isyung siya ang dahilan sa likod ng paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sumusumpa pa nga ang Vivamax Queen na maubos na raw ang kanyang lahi (as in mamatay na ang kanyang pamilya), pero walang katotohanan ang mga paratang sa kanya na homewrecker, kabit at mang-aagaw ng asawa.

Napipikon na rin daw si AJ na paulit-ulit na lang itong ginagawang isyu gayong naipaliwanag na niya time and again na naging sila ni Aljur noong wala na sila ni Kylie.

Noong ginagawa raw nila ni Aljur ang pelikulang Nerissa ay magkaibigan sila.

It took AJ a year bago niya sinagot ang panunuyo ni Aljur, but she made sure na wala silang inaagrabyadong tao.

Hence, AJ’s conscience is clear.

Ang totoo raw niyan, kilala ni AJ ang mismong babaeng dahilan ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie.

When squeezed to name the girl ay tumanggi si AJ.

Katwiran niya, nananahimik na raw ito bukod sa meron nang anak.

Hindi nga lang nilinaw ni AJ if the girl’s child is sired by Aljur.

Pakiusap ni AJ, huwag na ring i-tag ng mga netizens si Kylie kung anuman ang nangyayari sa kanila ni Aljur.

Matatandaang Kylie had earlier made an appeal na huwag na siyang idamay pa whatever it is that exists between Aljur and AJ.

Sinang-ayunan ni AJ ang katwiran ni Kylie na umiiwas siyang ma-stress.

Wrapping it all up, nilinaw ni AJ na hindi siya nagbuntis sa anak nila ni Aljur.

Enough of all this made up story! Ronnie Carrasco III

Previous article6 illegal aliens, arestado ng BI
Next articleAway ng US, Tsina iigting sa planong pagdaragdag ng EDCA sites – Cayetano

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here