Home NATIONWIDE Aksyon vs Chinese vessels sa Ayungin, maging maingat – PBBM

Aksyon vs Chinese vessels sa Ayungin, maging maingat – PBBM

MANILA, Philippines – KAILANGAN na maging maingat ang gobyerno ng Pilipinas sa kung ano man ang magiging aksyon nito at hindi dapat na mag-overreact sa napaulat na presensiya ng Chinese vessels sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginagawa naman ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito sa usapin.

“Of course, we’re exerting all efforts now but it’s the… we have to be very careful that we do not overreact, that we do not make mistakes that might be misinterpreted by anyone,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag sa press conference sa Tokyo,  kung saan dumalo ang Punong Ehekutibo sa  ASEAN-Japan summit.

“Kailangan talaga maingat tayo dahil pag may nangyari ulit diyan… if we heightened the tensions, it won’t lead us to a good result. So we are being very circumspect in the actions that we will take,” ayon  sa Pangulo.

Sa ulat, nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi masasabing isang pag-atake ang nagkukumpulang Chinese vessels sa Ayungin Shoal.

Paliwanag ni AFP-Western Command (WesCom) Spokesperson, Commander Ariel Coloma nitong Biyernes, nakumpirma ang kumpulan ng mga barko ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa isinagawang aerial patrol kamakailan. Gayunman, aniya, hindi nangangahulugang isa ito sa paraan ng pagsalakay ng China laban sa Pilipinas.

“As far as we are concerned, what we are seeing on the ground are the same old swarming tactics employed by the Chinese,” aniya.

Reaksyon ito ni Coloma sa artikulong isinulat ni dating United States Defense official Ray Powell na isa ring maritime security expert, na nagsabing isang “pag-atake” ang pananatili ng mga barko ng China sa naturang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Hinamon ni Coloma si Powell na ilahad ang kanyang batayan sa paggamit ng terminong “invasion” sa kanyang artikulo sa SeaLight website dahil matagal nang tensyonado ang sitwasyon sa WPS.

Binanggit ni Powell, nasa 11 Chinese vessels ang namataan sa Ayungin Shoal nitong Disyembre 11, habang ang iba naman ay namataan malapit sa boundary nito batay na rin sa satellite images ng Planet Labs. Kris Jose

Previous articleMMDA namahagi ng gift packs sa riders
Next articleComelec tatalima sa kautusan ng SC sa Smartmatic