Home NATIONWIDE Aktibidad ng Pilipinas ‘di kailangan aprubahan ng ibang bansa – DFA

Aktibidad ng Pilipinas ‘di kailangan aprubahan ng ibang bansa – DFA

MANILA, Philippines – Hindi kinakailangang aprubahan ng ibang bansa ang mga aktibidad ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Miyerkules, Agosto 23.

Ang pahayag na ito ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza ay matapos na punahin ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang paghahatid ng building materials sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“The rotation and resupply missions to the BRP Sierra Madre are legitimate and routine activities in our EEZ,” ani Daza.

“The Philippines’ exercise of its sovereignty, sovereign rights, and jurisdiction within our maritime zones is not subject to any other country’s approval. This is the norm,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaang matagumpay na nakumpleto ng Pilipinas ang follow-up mission nito para maghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre nitong Martes sa kabila ng umano’y tangka na namang panghaharang ng barko ng China sa naturang operasyon.

Sinabi ni Huang na wala naman umanong problema ang paghahatid ng “humanitarian supplies” ngunit hindi ang paghahatid ng “large-scale” building materials.

“There has never been a problem with the delivery of humanitarian supplies because there is a special arrangement for it, and the problem arose when the Philippines transported large-scale building materials,” ani Huang.

“That’s all I can share with you for now,” dagdag pa niya.

Matatandaang kinailangan ng Pilipinas na magsagawa ng follow-up mission dahil isa lamang sa dalawang resupply boats ang nakapaghatid ng suplay sa BRP Sierra Madre noong Agosto 5 makaraang bombahin ng water cannon ng Chinese coast guard ang mga ito. RNT/JGC

Previous articleCareer ni Liza sa Hollywood, tagilid!
Next articleJay Sonza nakalabas na sa bilangguan