Home HOME BANNER STORY Aktibidad sa Mayon kinokonsiderang pagsabog na ng Phivolcs HOME BANNER STORYNATIONWIDETOP STORIES Aktibidad sa Mayon kinokonsiderang pagsabog na ng Phivolcs June 11, 2023 08:56 426 0 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Itinuturing na ng Phivolcs na eruption o pagputok ang nangyayari ngayong aktibidad sa Bulkang Mayon. Sa kabila nito, nilinaw ng Phivolcs na hindi ito explosive o mapaminsalang pagsabog. Nananatili pa rin namang nakataas ang Alert Level 3 sa bulkan. Tuwing gabi ay nasisipat ang crater glow o pamamaga sa bunganga ng bulkan. Sinabi ni Phivolcs Director Dr. Teresito C. Bacolcol na nagkakaroon na ng pagsabog sa bulkan pero hindi naman ito mapaminsala. “Ito erruption na talaga ‘to, pero hindi naman hazardouz pa. We are waiting for some parameters para itaas ito sa Alert Level 4,” ani Bacolcol. Nauna nang iniulat ng mga residente na may namamataan na silang mga bato na nahuhulog mula sa bulkan pero wala pa silang naaamoy na asupre. RNT