MANILA, Philippines – Naitala sa Pilipinas nitong Biyernes ang 2,106 bagong kaso ng COVID-19, samantalang tumaas din ang aktibong kaso sa 16,577.
Ito na ang ikalawang araw ng may higit sa 2,000 bagong kaso na naitala.
Ayon sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 4,123,636 ang total COVID case load sa Pinas.
Nagkaroon rin ng pagtaas sa aktibong kaso mula 16,504 noong Huwebes patungo sa 16,577, ayon sa pinakabagong datos.
Ito ang pinakamataas mula noong Disyembre 23, 2022 na mayroong 16,994 aktibong kaso na naitala.
Sa nakaraang dalawang linggo, ang National Capital Region (NCR) ang nag-ulat ng pinakamaraming kaso na umabot sa 9,929, sinundan ng Calabarzon na may 5,531, Central Luzon na may 1,882, Western Visayas na may 1,371, at Bicol Region na may 844.
Ang bilang ng gumaling sa bansa ay umabot sa 4,040,606 matapos magdagdag ng 2,033 bagong gumaling, habang ang bilang ng mga namatay ay umabot sa 66,453.
Ayon sa DOH, mayroong kabuuang 8,290 indibidwal ang sumailalim sa pagsusuri, habang 320 testing laboratoryo ang nagsumite ng datos hanggang Huwebes.
Ang kaukulang paggamit ng mga kama sa bansa ay umabot sa 21.4%, kung saan mayroong 5,389 kama na may pasyente at 19,830 na bakante. RNT