Home METRO Akyat-bahay kalaboso sa bahay ni lola

Akyat-bahay kalaboso sa bahay ni lola

Bulacan – Arestado ang 29-anyos na lalaking akyat-bahay na umano’y nangulimbat ng pera, mga alahas at kagamitan sa bahay ng isang 70-anyos na babae sa bayan ng Paombong.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Boy lagare” habang hindi na pinangalanan ang lolang biktima.

Sa report na nakarating kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nangyari ang panloloob nitong Nobyembre 19 sa Brgy. San Jose ng naturang bayan.

Ayon sa report, puwersahang dumaan ang suspek sa terrace ng bahay gamit ang lagareng bakal hanggang tangayin ang taguan ng mga kagamitan at alahas ng biktima.

Dahil sa CCTV footage, agad natunton ng mga awtoridad ang suspek hanggang sa nabawi ang mga kinulimbat na kagamitang aabot sa halagang P100,000 at tuluyang naaresto.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek habang nakakulong sa naturang istasyon. Dick Mirasol III

Previous articleNegosyante arestado sa tangkang pagpatay sa Maynila
Next articleBagong campus ng ValTech, malapit nang buksan