Home NATIONWIDE Al Jazeera cameraman patay sa Israeli attacks sa Gaza

Al Jazeera cameraman patay sa Israeli attacks sa Gaza

ISRAEL – Nasawi ang cameraman ng Al Jazeera na si Samer Abu Daqqa dahil sa pag-atake ng Israeli sa Khan Younis sa southern Gaza Strip.

Iniulat na nasugatan si Abu Daqqa dahil sa mga shrapnel bilang resulta ng mga pag-atake ng Israel malapit sa Ferkhane School, inihayag ng Al Jazeera.

Matapos masugatan, sumilong si Abu Daqqa sa isang lugar malapit sa Ferkhane School, kung saan nagpatuloy ang mga pag-atake, at hindi makapasok ang mga ambulansya sa lugar na napapalibutan ng mga puwersa ng Israel.

Ang mga first aid team ay hindi pinayagang makapasok sa kinubkob na lugar ng ilang oras upang makialam at gamutin ang mamamahayag na duguan. Hindi siya madala sa ospital. RNT

Previous articleBagong solusyon, alyansa kailangan ng Pinas sa WPS tension – PBBM
Next articlePasig River Ferry Service palalawakin ng MMDA