Home HEALTH Alak bilang ‘good for the heart’ ‘di totoo – DOH

Alak bilang ‘good for the heart’ ‘di totoo – DOH

MANILA, Philippines – Kaisa ang Department of Health (DOH) sa Hepatology Society of the Philippines at World Health Organization (WHO) sa pagsasabing “walang ligtas na antas” ang pag-inom ng alak

Binigyan diin ni DOH Asec. Albert Domingo na hindi mahalaga ang dami ng alak, dahil hinimok niya ang publiko na iwasan ang pag-inom.

“As far as the DOH and the WHO are concerned, any amount. Sabi nga nila, the risk starts with the first drop. Iyong ating pagkadelikado sa unang patak pa lang ng alcohol ay nandoon na. Talagang dapat iniiwasan na natin ito as much as we can”.

“Ang mensahe is any level, any amount of alcohol: small, kahit sabihing light, kahit sabihing drink responsibly, hindi po iyan tama. Dapat po talaga iwasan siya,” dagdag pa.

Pinabulaanan din ni Domingo ang mga pahayag na may mga benepisyo sa kalusugan ang ilang uri ng mga inuming nakalalasing–tulad ng beer at red wine.

Bagama’t kinilala ni Domingo na may mga pag-aaral na ginawa sa kaugnayan ng ilang mga inuming nakalalasing at kalusugan, nagbabala siya laban sa paglalapat ng mga ito nang buo.

Nauna nang sinabi ng WHO sa isang pahayag na “pagdating sa pag-inom ng alak, walang ligtas na halaga na hindi nakakaapekto sa kalusugan.”

Sa isang forum, nanawagan ang Hepatology Society of the Philippines sa pag-iwas sa alak dahil sa panganib nito sa atay.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePagdeklarang nat’l shrine sa Quiapo Church ikinatuwa ng Manila gov’t
Next article‘Di paggana ng COVID tracker ‘di alalahanin – DOH