Alamin: 10 must watch K-dramas ngayong Luzon-wide quarantine

Alamin: 10 must watch K-dramas ngayong Luzon-wide quarantine

March 21, 2020 @ 5:20 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Marami ngayon ang hindi makalabas ng bahay dahil sa ipinatupad na lockdown sa kani-kanilang mga lugar.

Narito ang sampung Korean drama na pwede mong isama sa listahan ngayon quarantine mode at sabayan ng walang katapusang pagkain.

-1. Crash Landing on You

Habang si Yoon Se-Ri (Son Ye Jin) ay nasa Seoul, South Korea at nag pa-paragliding, isang aksidente ang naganap. Bigla na lamang siyang napunta sa North Korea at doon nakilala si Captain Ri Jeong-Hyeok (Hyun Bin).

Twist: Makababalik pa kaya siya sa dati niyang buhay?

-2. Kingdom

Sa gitna ng pag-iimbestiga ni Prince Lee Chang (Ju Ji Hoon) ng sanhi nang pagkamatay ng kanyang ama, napag-alaman niyang may sakit na kumakalat sa kanilang bayan subalit, ang sakit na ito ay magiging sanhi ng pagkabuhay Ng mga namatay na.

Twist: Paano nila malulunasan Ang epidemya sa kanilang bayan?

-3. Moon lovers: Scarlet heart Ryeo

Sa gitna ng isang total lunar eclipse, si Go Ha Jin (Lee Ji Eun) ay nagbalik sa unang panahon Ng Goryeo Dynasty at nasa katawan ng ibang tao. Doon makikilala nya ang mga prinsipe na magpapasaya at magpapakomplikado ng kanyang buhay.

Twist: Kakayanin kaya ng babaeng buhat sa 21st century ang lahat Ng pag subok na kanyang kahaharapin?

-4. Descendants of the sun

Si Yoo Si Jin (Song Joong Ki) ay kapitan sa South Korean Special Forces Unit samantalang si Kang Mo Yeon (Song Hye Kyo) naman ay sikat na doktor. Maraming naging hadlang sa pag-iibigan ng dalawa dahil sa pagkakaiba ng trabaho.

Twist: Magtagumpay kaya ang pusong nagmamahalan sa kabila ng kontra at pagsubok?

-5. Goblin

Si Kim Shin (Gong Yoo) ay naging isang immortal na goblin bilang kaparusahan. Ang tanging kailangan nya nalamang ay ang ‘goblin’s bride’ para wakasan ang kanyang mga paghihirap. Si Ji Eun Tak (Kim Go Eun) naman ay isang estudyante na mayroong masaklap na buhay.

Twist: Siya na nga ba Ang goblin’s bride?

-6. Legend of the blue sea

Nakisalamuha si Heo Joon Jae (Lee Min Ho) ang mayamang con artist sa isang sirena na si Sim Cheong (Jun Ji Hyun). Sila pala ay incarnations Ng dalwang magkasintahan galing Joseon Era.

Twist:Mapapagtagumapayan kaya nila ang pag-iibigan sa kabila ng pagkakaiba?

-7. W: Two Worlds

Si Kang chul (Lee Jong Suk) ay isang webtoon character samantalang si Oh Yeon Joo (Han Hyo Joo) ay isang doktor at anak ng webtoon artist nang bigla na lamang siyang napapunta sa isang webtoon series.

Twist: Paano nga ba ang buhay sa loob ng webtoon series?

-8. Who are you: School 2015

Lumaking walang magulang si Si Lee Eun Bi (Kim So Hyun) at laging nakararanas ng bullying sa kanilang paaralan sa Tongyeong. Si Ko Eun Byeol naman ay may komportableng pamumuhay sa Seoul. Kinailangan pumunta ni Eun Byeol sa Tongyeong para sa kanilang field trip kaya doon nagtagpo ang kanilang landas.

Twist: May mabuo kayang samahan sa pagku-krus ng kanilang landas?

-9.Strong woman do bong soon
Ipinanganak si Do Bong Soon (Park Bo Young) na may pambihirang lakas. Ang kanyang pangarap ay makapaggawa ng sariling video game character. Kaya noong ginawa siyang body guard ng CEO ng gaming company, agad siyang pumayag.

Twist: Magiging matagumpay Kaya sila sa pag Laban sa mga krimen ?

-10. My love from the Star

Si Do Min Joon ay isang alien na nagmula pa sa Joseon Dynasty na ngayon ay isang college professor. Nakilala niya si Cheon Song Yi (Jun Ji Hyun), isang artista na magiging dahilan sa pananatili nya dito sa earth.

Twist: Saan kaya mauuwi ang kanilang pagsasamahan?

Remate News Team/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...