Home NATIONWIDE ALAMIN: 8 pekeng eTravel websites tinukoy ng CICC

ALAMIN: 8 pekeng eTravel websites tinukoy ng CICC

MANILA, Philippines- Natukoy ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang walong pekeng eTravel websites na naniningil hanggang P5,000 para sa travel pass na dapat sana ay libre.

Ayon sa CICC, peke ang mga sumusunod ng eTravel websites: 

Ayon sa CICC, iniimbestigahan nito kung ang mga indibidwal na nasa likod ng pekeng eTravel websites ay mga Pilipino o dayuhan, base sa ulat nitong Biyernes.

“Sila ay naka-based sa labas ng bansa. One is in Spain. We’re doing efforts to block them para hindi na makadali ng mga inbound Philippines,” pahayag ni CICC executive director Alex Ramos.

Batay kay Ramos, sinisilip ng CICC na maghain ng reklamo laban sa mga platapormang nagho-host ng nasabing pekeng eTravel websites dahil mayroon silang regulasyong kanselahin ang account na lumalabag sa batas.

Pinaalalahanan naman ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval ang publiko na libre ang travel passes.

Bukod sa pera, inihayag ni Sandoval na humihingi ri ang pekeng eTravel websites ng sensitibong impormasyon mula sa mga biyahero.

“Iba-iba po ang presyo as much as $100 ang sinisingil po nitong eTravel website na ito. Kinukuha po ang information ng mga individuals na nagsusulat dito,” anang opisyal.

Ang lehitimong eTravel website ng pamahalaan ay etravel.gov.ph. RNT/SA

Previous articleMaligayang Kaarawan, Sir Benny Antiporda!
Next articlePag-apruba sa generic drug applications papaspasan ng FDA