Home NATIONWIDE ALAMIN: Adjusted operating hours ng PNR sa Disyembre 31, Enero 1

ALAMIN: Adjusted operating hours ng PNR sa Disyembre 31, Enero 1

MANILA, Philippines – Inanunsyo ang Philippine National Railways (PNR) na magpapatupad ng adjusted operating hours ng dalawang araw.

Ito ay sa Disyembre 31, 2023 at Enero 1, 2024.

Ayon sa PNR, hangad nito ang isang ligtas at masayang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong sa taong 2024.

Ang pagbabago sa oras ng biyahe ng PNR sa Disyembre 31 ay 3:06 ng hapon kung saan ito ang huling biyahe mula Tutuban hanggang Alabang.

Habang 4:53 ng hapon naman ang last trip mula Alabang hanggang Tutuban.

Sa Tutuban-Governor Pascual ay 6:41 ng umaga ang last trip habang 10:35 ng umaga naman mula Governor Pascual patungong Tutuban.

Ang huling biyahe mula Gov.Pascual patungong Bicutan ay sa hanap na 7:12 ng umaga sa Disyembre 31.

Ang Bicutan papuntang Gov. Pascual ay ganap na alas 9:02 ng umaga ang huling biyahe.

Samantala, ang huling biyahe mula Lucena papuntang San Pablo ay ganap na 2:05 ng hapon sa Disyembre 31

Mula naman sa Calamba papuntang San Pablo ay ganap na alas 3:00 ng hapon ang huling biyahe.

Sa Naga -Sipocot ay ganap na alas 3:30 ng hapon ang huling biyahe at ang Sipocot-Naga naman ay ganap na alas 4:50 ng hapon.

Habang ang huling biyahe mula Naga papuntang Ligao sa kaparehong araw ay ganap na alas 3:00 ng hapon.

Sa Enero 1, ang oras ng unang biyahe mula Tutuban papuntang Alabang ay 10:26 ng umaga habang ang Alabang papuntang Tutuban naman ay alas 12:13 ng hapon.

Ganap na alas 5:14 ng hapon din ang unang biyahe mula Gov. Pascual papuntang Bicutan.

Ang unang biyahe Naman mula Bicutan papuntang Gov. Pascual ay 6:55 ng gabi.

Samantala, ang unang biyahe mula San Pablo papuntang Lucena ay ganap na 10:15 ng umaga.

Alas-10:25 ng umaga sa kaparehong araw naman ang unang biyahe ng tren mula San Pablo papuntang Calamba.

Mula Naga papuntang Sipocot, ang unang biyahe ng tren naman ay ganap na 10:40 ng umaga at ang Sipocot papuntang Naga ay ganap na alas 12:00 ng tanghali.

Habang ang unang biyahe ng PNR sa Enero 1 mula Ligao papuntang Naga ay alas 10 :00 ng umaga.

Inabisuhan ng PNR ang publiko at mananakay na maaaring bisitahin ang mga social media accounts ng PNR para sa iba pang impormasyon, anunsyo at schedule ng biyahe ng tren. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleActive COVID cases sa Navotas, dumarami
Next articleBilang ng pamilyang apektado ni TS Kabayan, shear line sumampa sa 25K