Alamin: Ano ang gagawin kung masiyadong malaki ang kaniyang ari?

Alamin: Ano ang gagawin kung masiyadong malaki ang kaniyang ari?

May 6, 2019 @ 9:22 AM 11 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Oo nga’t ang ari ng babae ay dinisenyo upang mag-stretch, napatunayan sa panganganak, at kung iisipin ay lahat ng sukat ng matigas na ari ng lalaki ay kaya nitong pasayahin.

Ang normal na vaginal canal ay may habang 3.7 inches, average. Ngunit kung ito ay naka-arouse,  mas humahaba pa ito, naglalabas ng lubricant at lumalaki kaya’t ang mga malalaking ari ng lalaki ay makapapasok ng walang hirap.

Gayunpaman, may mga pagkakataon na ang mga ari ng lalaki ay hindi nagkakasiya sa loob ng puwerta.

Ayon kay Christine Greves, ob-gyn sa center ng obstetrics at gynecology sa Orlando Health, ang ganitong sitwasyon hindi madalas nangyayari.

Ang average ng naka-erect na ari ng lalaki ay sumusukat ng 5.1 inches ngunit sa oras na lumaki pa ito ng kaunti ay mahihirapan na ang ilan na kayanin ito. (Ang pinakamalaking naka-erect na ari ng lalaki ay may sukat na 13 inches)

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nagkakasiya ang ari ng lalaki sa puwerta ay ang edad ng babae. Sa edad na 20 hanggang 40, ang estrogen level ng mga babae ay mataas. Ito ang dahilan kung bakit ang vaginal tissue ay mas stretchable at hindi ganoon kasensitibo, ani Dr. Greves.

Pero sa oras na umabot ang babae sa menopause stage, ang estrogen sa katawan ay bumubulusok. Dahil sa mas kaunting natural na lubrication, ang average o mas malaking ari ng lalaki ay mahihirapan nang makapasok nang hindi nagbibigay ng sakit at friction sa parehong partido.

Isa pang dahilan kung bakit hindi makapasok ng maayos ang malaking ari ng lalaki ay ang posibilidad na maliit ang puwerta gaya na lamang ng ilang ari ng lalaki. Ang malaking ari ng lalaki ay hindi magandang partner ng maliit na puwerta.

 “Some vaginas are larger than others…so I would think it’s based on an individual basis,” sabi ni Dr. Greves. 

Ano ang dapat gawin?

Sabihin na nating hindi makapasok ng maayos ang malaking ari ng lalaki sa iyong puwerta, narito ang mga maaari mong gawin:

Magkaroon ng extra foreplay

Ang pagkakaroon ng mas mahabang foreplay ay nangangahulugan ng mas maraming lubricant na maaaring ilabas ng katawan. Ibig sabihin, mas maraming lubricant ay mas mas magiging madulas ang puwerta at mas magiging stretchable. Puwede ring gumamit ng nabibiling lubricant sa mga drug store.

Humanap ng komportableng posisyon

Piliin ang sex position na magbibigay sa babae ng kontrol, ‘wag matakot mag-eksperimento. Kung mapupunta sa babae ang kontrol ay makokontrol nito ang lalim at ang bilis para maiwasan na sumobra na kalimitan nagdudulot ng matinding sakit. Ang posisyon na nakabukaka ay makatutulong din gayong magagawa nitong mapalalim ang puwerta.

Paggamit ng estrogen cream at vaginal dilator

Kung ang problema ay dulot ng menopause, nirerekomenda ni Dr. Greves ang paggamit ng estrogen cream at vaginal dilator.

“Try to get a dilator similar to the size of the man. And with lubrication, you could see if that could accommodate [the penis],” ani Dr. Greves.

Magpatingin sa ob-gyn

Kung ang lahat na ng posibleng solusyon ay nagawa mo na at wala pa ring nangyayari at sumasakit pa rin, magpatingin na sa ob-gyn, ayon kay Dr. Greves./Remate News Team

Share

Comments (3)

  • porn Reply

    … [Trackback]

    […] Info to that Topic: remate.ph/alamin-ano-ang-gagawin-kung-masiyadong-malaki-ang-kaniyang-ari/ […]

    January 22, 2020 at 5:02 am
  • Büyük haber Reply

    … [Trackback]

    […] Find More to that Topic: remate.ph/alamin-ano-ang-gagawin-kung-masiyadong-malaki-ang-kaniyang-ari/ […]

    January 28, 2020 at 7:50 pm
  • CBD cures cancer Reply

    … [Trackback]

    […] There you will find 1851 more Info to that Topic: remate.ph/alamin-ano-ang-gagawin-kung-masiyadong-malaki-ang-kaniyang-ari/ […]

    February 15, 2020 at 4:11 am

Leave a Reply

Loading...